Main Menu
Home
About Us
Publications
Resources
Campaigns
Martial Law Museum
Events
Contact Us
Links
Search
Library Catalog
Administrator
Home arrow Martial Law Museum arrow Library
Library
Mariani: A Woman of a Kind PDF Print E-mail
Image"MARIANI: A Woman of a Kind"
Compiled and edited by Sr. Marie Teresita Bravo, SFIC

With a Foreword by Bishop Julio X. Labayen, O.C.D., D.D.

December 2001

"Mariani: A Woman of a Kind" is a compilation of the speeches of Sr. Mariani Dimaranan, SFIC, from 1977 to 1995. The topics include the human rights situation under martial rule, the plight of political detainees, human rights advocacy, women, the poor, spirituality, and many more.

Read more...
 
FEATURE - Mindanao: Human Rights Amidst War PDF Print E-mail
December 2000

Based on the TFDP-Mindanao’s consolidated report during the period January to November 2000, there is an increase in human rights violations in relation to civil and political rights. Directly related to this is the greater number of violations in the areas of economic, social and cultural (ESC) rights.

Many of the interrelated violations (civil, cultural, economic, social and political rights) were spawned by the all-out war policy of the Estrada administration. The most affected areas were Central and Southern Mindanao, which are Moro dominated areas.While most of the victims were Moro, quite a number were indigenous peoples. Most of the human rights violators were primarily members of the Armed Forces of the Philippines (AFP). It must be noted though that many more other violations, especially ESC rights, were carry-overs from the past. The intensifying strife has exacerbated the plight of the poor, the oppressed and the marginalized.

Read more...
 
A People's Declaration to End Impunity and Injustice through the International Criminal Court PDF Print E-mail

PEOPLE'S DECLARATION TO END IMPUNITY THROUGH THE ICC

10 November 2000
Quezon City, Philippines

We, survivors, families of victims and witnesses to gross human rights violations coming from different regions of the Philippines, have suffered and seen the slaughter and agony of individuals, families and communities, especially the more vulnerable such as children, women and the elderly, due to inhumane and barbaric acts of individuals, generally emanating from decisions and policies of governments;

We have seen that perpetrators of genocide, brutalities and injustice in our country and the world have gone scot-free, many even promoted to high positions in government, in spite of many national, regional and international declarations, laws, conventions and mechanisms upholding the dignity of persons and peoples;

We deplore the wide gap between the values and ideals enshrined in the impressive list of human rights and humanitarian laws and their actual implementation;

The failure of governments to prosecute dictators and perpetrators of the heinous crimes of genocide, crimes against humanity, war crimes and the crime of aggression doubly victimizes our already impoverished bodies and souls;

We believe that governments, civil society and each one of us must take decisive actions to end impunity and eliminate the culture of violence, fear, injustice and the coercive environment being perpetrated so that justice will be served on all;

We believe that the International Criminal Court can be a means in achieving these goals and bringing about respect for life and human dignity;

We, therefore, commit ourselves to establish a Philippine Coalition for the International Criminal Court to do the following:

  1. Support the creation of a permanent, just and effective International Criminal Court;
  2. Work for the signing and ratification of the Rome Statute by the Philippine government;
  3. Work for the adoption of a comprehensive national legislation incorporating the principles of the International Criminal Court, popularize the International Criminal Court such that it will be one of the venues for redress of injustice and gross human rights violations;
  4. Work with other peoples, especially those in Asia, for the signing and ratification of the Rome Statute by our respective governments; and
  5. Strive for a world grounded on justice and human rights.
 
Deklarasyon ukol sa Karapatan at Kaunlaran PDF Print E-mail

DEKLARASYON UKOL SA KARAPATAN AT KAUNLARAN

16 Oktubre 2000

Habang isinasaisip ang mga layunin at prinsipyo ng Konstitusyon ng Nagkakaisang Mga Bansa kaugnay ng pagkakamit ng pandaigdigang kooperasyon sa paglutas ng mga suliranin sa daigdig na may kalikasang pang-ekonomiya, sosyal, kultural at pagka-makatao, at sa pagtataguyod at pagpapaunlak sa paggalang sa karapatang pantao at mga saligang kalayaan para sa lahat, nang walang pagtatangi sa lahi, kasarian, wika at pananampalataya,

Kinikilala na ang kaunlaran ay isang komprehensibong proseso na pang-ekonomya, panglipunan, pangkultura at pampulitika, na naglalayon ng patuloy na pagpapabuti sa kapakanan ng buong populasyon at ng lahat ng indibidwal, batay sa kanilang aktibo, malaya at makabuluhang paglahok para sa kaunlaran at sa makatarungang pamamahagi ng mga pakinabang na ibinubunga nito,

Isinasaalang-alang na sa ilalim ng mga probisyon ng Unibersal na Deklarasyon ng Karapatang Pantao, ang lahat ay may karapatan sa isang kaayusang sosyal at pandaigdig kung saan makakamit ang lahat ng mga karapatan at kalayaan na itinakda ng nabanggit na Deklarasyon.

Inaalala ang mga probisyon ng Internasyunal na Kumbensyon sa Mga Karapatang Pang-Ekonomya, Pansosyal at Pangkultura at ng Internasyunal na Kobenant sa Mga Karapatang Sibil at Pulitikal,

Inaalala ang iba pang mga kaugnay na kasunduan, kumbensyon, resolusyon, rekomendasyon at iba pang instrumento ng Nagkakaisang Mga Bansa at ng mga natatanging ahensya nito na nakapatungkol sa integral na pag-unlad ng tao, sa pansosyal at pangkabuhayang progreso at kaunlaran ng lahat ng sambayanan, kabilang ang mga instrumentong kaugnay ng dekolonisasyon, ng pagpatigil sa diskriminasyon, ng paggalang at pagkilala sa karapatang pantao at mga saligang kalayaan, ng pagpanatili ng pandaigdigang kapayapaan at seguridad, at ng ibayong pagtataguyod ng mapagkaibigang relasyon at kooperasyon sa pagitan ng mga Estado alinsunod sa Konstitusyon ng Nagkakaisang Mga Bansa.

Inaalala ang karapatan ng mga sambayanan sa sariling-pagpapasya, at alinsunod dito ang kanilang karapatan na malayang itakda ang kanilang katayuang pulitikal at magsumikap sa kanilang pang-ekonomya, pansosyal at pangkulturang pag-unlad,

Inaalala rin ang karapatan ng mga sambayanan, alinsunod sa mga probisyon ng dalawang Internasyunal na Kobenant sa Karapatang Pantao, na lubos na pairalin ang soberanya sa lahat ng kanilang mga likas na yaman at kakayahan,

Isinasaisip ang mga obligasyon ng mga Estado sa ilalim ng Konstitusyon ng Nagkakaisang Mga Bansa na itaguyod ang unibersal na paggalang sa karapatang pantao at ang mga saligang kalayaan para sa lahat nang walang anumang pagtatangi ayon sa lahi, kulay, kasarian, wika, pananampalataya, pulitikal o iba pang opinyon, pambansa o sosyal na pinagmulan, propriedad, kapanganakan o iba pang katayuan,

Isinasaalang-alang na ang pagpawi sa lansakan at lantarang paglabag sa mga karapatang pantao ng mga sambayanan at mga indibidwal na nakapailalim sa mga kalagayang bunga ng kolonyalismo, neo-kolonyalismo, apartheid, lahat ng anyo ng rasismo at diskriminasyong batay sa rasa, dominasyon at pananakop ng dayuhan, agresyon at mga banta sa pambansang soberanya, pambansang pagkakaisa at teritoryal na integridad, at ng mga banta ng digmaan, ay makakatulong sa pagtataguyod ng paborableng kalagayan para sa kaunlaran ng malaking bahagi ng sangkatauhan,

Nababahala sa pag-iral ng mga seryosong balakid sa kaunlaran at sa lubos na pag-unlad ng tao at ng mga sambayanan, na binubuo, inter alia, ng pagkakait ng mga karapatang sibil, pulitikal, pangkabuhayan, sosyal at kultural, at kung isasaalang-alang na ang lahat ng karapatang pantao at mga saligang kalayaan ay di-maipaghihiwalay at nagsusuhayan, at upang ibunsod ang kaunlaran , ang pantay na atensyon at kagyat na konsiderasyon ay dapat ibigay sa pagpapatupad, pagtataguyod at proteksyon ng mga karapatang sibil, pulitikal, pangkabuhayan at kultural, at alinsunod dito ang promosyon, paggalang at pagtamasa ng ilang karapatang pantao at mga saligang kalayaan ay hindi maaring magbigay katarungan sa pagkakait ng iba pang mga karapatang pantao at mga saligang kalayaan,

Isinasaalang-alang na ang pandaigdigang kapayapaan at seguridad ay mga esensyal na sangkap para sa pagkakamit ng karapatan sa kaunlaran,

Muling pinagtitibay na may mahigpit na kaugnayan ang pagdi-disarma at kaunlaran, at ang mga pag-unlad sa larangan ng pagdidis-arma ay nagbubunsod ng makabuluhang pagsulong sa larangan ng kaunlaran, at ang mga rekurso na ibinunga ng mga hakbang para sa pagdi-disarma ay ilalaan para sa pang-ekonomiya at pansosyal na kaunlaran at para sa kagalingan ng lahat ng sambayanan, partikular sa mga papaunlad na mga bansa,

Kinikilala na ang tao ay ang sentral na pinatutungkulan ng proseso ng kaunlaran at kung ganoon, dapat ilagay ng mga patakarang pangkaunlaran ang tao bilang pangunahing tagapagsagawa at tagapakinabang ng kaunlaran,

Kinikilala na ang paglikha ng mga paborableng kalagayan para sa kaunlaran ng mga sambayanan at mga indibidwal ay pangunahing responsibilidad ng kanilang Estado,

Batid na ang mga pagsisikap sa internasyunal na antas sa pagtataguyod at pagtatanggol sa karapatang pantao ay dapat lakipan ng pagsisikap sa pagtatayo ng isang bagong pandaigdigang kaayusang pang-ekonomya,

Pinapatotohanan na ang karapatan sa kaunlaran ay isang likas na karapatang pantao, at ang pagkakapantay sa oportunidad sa kaunlaran ay isang prerogatiba ng mga bansa at ng mga indibidwal na bumubuo ng mga bansa,

Ipinapahayag ang sumusunod na Deklarasyon Ukol sa Karapatan sa Kaunlaran.

 
Ang Deklarasyon sa Rio para sa Kapaligiran at Kaunlaran PDF Print E-mail

DEKLARASYON SA RIO PARA SA KAPALIGIRAN AT KAUNLARAN

25 Hulyo 2000

Isinalin ni Manjet Lopez

Ang Kumperensya ng Nagkakaisang Mga Bansa hinggil sa Kapaligiran at Kaunlaran, na idinaos sa Rio de Janeiro mula Ika-3 hanggang ika-14 ng Hunyo 1992, na muling nagpatibay sa naunang Deklarasyon ng Kumperensya ng Nagkakaisang Mga Bansa ukol sa Kapaligiran ng Tao sa Stockholm noong ika-16 ng Hunyo 1972, at bilang pagbatay doon sa layuning makapagtatag ng panibago at pantay na pandaigdigang pagkakaisa sa pamamagitan ng paglikha ng mga bagong antas ng kooperasyon sa hanay ng mga Estado, mga mapagpasyang sektor ng lipunan at mga sambayanan, tungo sa pagbubunsod ng mga kasunduang internasyunal na gumagalang sa interes ng lahat at nangangalaga sa integridad ng daigdigang sistemang pangkapaligiran at pangkaunlaran, kumikilala sa integral at magkakasuhay na kalikasan ng Mundo bilang ating tahanan, ay nagpapahayag na:

Prinsipyo 1: Ang tao ay nasa sentro ng mga usapin para sa sustenable o likas-kayang kaunlaran. Sila ay dapat mabigyan ng malusog at produktibong buhay na sumasaliw sa kalikasan.

Prinsipyo 2: Ang mga Estado, alinsunod sa Konstitusyon ng Nagkakaisang Mga Bansa at sa mga prinsipyo ng mga batas na internasyunal, ay may soberanong karapatan na linangin ang kanilang likas na yaman alinsunod sa kanilang mga patakarang pangkaunlaran at pangkapaligiran, at may pananagutan na ang mga ganitong aktibidad sa saklaw ng kanilang kontrol at hurisdiksyon ay hindi sumisira sa kapaligiran ng iba pang Estado o sa mga lugar na labas sa kanilang pambansang saklaw.

Prinsipyo 3: Ang karapatan sa kaunlaran ay dapat matamo upang pantay na matugunan ang mga pangangailangang pangkaunlaran at pangkapaligiran ng kasalukuyan at ng mga susunod na salinlahi.

Prinsipyo 4: Upang makamit ang likas-kayang kaunlaran, ang pangangalaga sa kapaligiran ay dapat maging integral na bahagi ng prosesong pangkaunlaran at hindi maituturing na hiwalay dito.

Prinsipyo 5: Ang lahat ng Estado at mga sambayanan ay magtutulungan sa esensyal na tungkulin ng pagpawi sa kahirapan bilang di- maipapawalang bahala na rekisito sa likas-kayang kaunlaran, upang paliitin ang agwat sa istandard ng pamumuhay at mas mabisang matugunan ang mga pangangailangan ng mayorya sa mga sambayanan ng daigdig.

Prinsipyo 6: Ang natatanging kalagayan at mga pangangailangan ng mga papaunlad na bansa, partikular ang mga pinakaatrasado at may pinakabulnerableng kapaligiran, ay bibigyan ng espesyal na prayoridad. Ang mga hakbang na pangkaunlaran at pangkapaligiran ay dapat tumugon sa kapakanan at pangangailangan ng lahat ng mga bansa.

Prinsipyo 7: Ang mga Estado ay magtutulungan sa diwa ng pandaigdigang pagkakaisa sa pagpapanatili, pangangalaga at pagpapanumbalik sa kalusugan at integridad ng sistemang ekolohikal ng Mundo. Sa harap ng magkakaibang sagutin sa pagsalanta sa kapaligiran, ang mga Estado ay may komon subalit nagkakaibang responsibilidad. Ang mga maunlad na bansa ay kumikilala sa kanilang pananagutan sa pandaigdigang pagsisikikap para sa likas-kayang kaunlaran sa harap ng mga presyur ng kani-kanilang mga lipunan sa pandaigdigang kapaligiran at ng mga teknolohiya at pinansyal na kakayahan na nasa kanilang panghahawak.

Prinsipyo 8: Upang makamit ang likas-kayang kaunlaran at ang mas mataas na kalidad ng pamumuhay para sa lahat ng mamamayan, dapat bawasan at pawiin ng mga Estado ang mga di-sustenableng paraan ng produksyon at pagkonsumo, at magtaguyod ng mga akmang patakaran sa demograpiya.

Prinsipyo 9: Ang mga Estado ay dapat magtulungan upang pagyamanin ang mga katutubong kakayahan sa likas-kayang kaunlaran sa pamamagitan ng pagpayabong ng makasyentipikong pag-unawa mula sa mga palitan ng teknolohikal at makasiyentipikong kaalaman at ng pagpapahusay pa ng paglinang, pagpaangkop, pagpalaganap at paglilipat ng teknolohiya, kabilang na ang mga bago at mapanlikhang teknolohiya.

Prinsipyo 10: Ang mga isyung pangkapaligiran ay pinakamahusay na mahahawakan sa pamamagitan ng partisipasyon ng lahat ng mga apektadong mamamayan, sa kagyat na antas. Sa pambansang antas, ang bawat indibidwal ay dapat magkaroon ng sapat na ugnay sa impormasyon hinggil sa kapaligiran na hawak ng mga awtoridad pampubliko, kabilang ang mga impormasyon sa mga mapanganib na bagay o aktibidad sa kanilang mga pamayanan, at ng oportunidad na lumahok sa proseso ng pagdedesisyon. Ang mga Estado ay dapat magpaunlak sa kabatirang pampubliko sa pamamagitan ng malawakang pagpapalaganap ng impormasyon. Ang mabisang ugnay sa mga prosesong administratibo at hudikatura, lakip na ang paghahabol ng katarungan at lunas ay dapat maibigay sa mamamayan.

Prinsipyo 11: Ang mga Estado ay magpapatibay ng mga mabisang batas para sa kapaligiran. Ang mga pamantayan sa kapaligiran, mga layunin sa pangangasiwa at mga prayoridad ay dapat sumalamin sa kinapapaloobang konteksto na pangkapaligiran at pangkaunlaran. Ang mga istandard na ginagamit ng ibang bansa ay maaring di-akma at magbunga ng di-kailangang pinsalang pang-ekonomya at pansosyal sa iba pang mga bansa, partikular sa mga papaunlad na bansa.

Prinsipyo 12: Ang mga Estado ay dapat magtulungan upang magtaguyod ng tumutugon at bukas na sistemang pang-ekonomiya sa daigdig para sa pagyabong ng kabuhayan at sa likas-kayang kaunlaran sa lahat ng bansa, upang mahusay na lutasin ang mga suliranin ng pagsalanta sa kapaligiran. Ang mga patakarang pangkalakalan para sa mga layuning pangkapaligiran ay hindi dapat maging arbitraryo o di-makatarungang nagdidiskrimina o pakunwang restriksyon sa kalakalang internasyunal. Ang mga nagsasariling aksyon ng nag-aangkat na bansa para harapin ang mga suliraning pangkapaligiran sa mga lugar na labas sa kanilang hurisdiksyon ay dapat iwasan. Ang mga hakbanging pangkapaligiran na tumutugon sa mga suliraning pangkapaligiran na pandaigdigan o nasa pagitan ng hangganan ng mga bansa, hangga't maari ay dapat nakabatay sa internasyunal na konsensus.

Prinsipyo 13: Ang mga Estado ay dapat magpaunlad ng mga pambansang batas hinggil sa liyabilidad at kompensasyon para sa mga biktima ng polusyon at iba pang pagsira sa kapaligiran. Ang mga Estado ay dapat ring magtulungan sa mabilis at determinadong paraan para sa higit pang pagpapaunlad ng mga internasyunal na batas hinggil sa liyabilidad at kompensasyon sa mga masamang epekto ng pagsalanta sa kapaligiran sa mga lugar sa loob at labas ng kanilang hurisdiksyon o kontrol.

Prinsipyo 14: Ang mga Estado ay dapat epektibong magtulungan upang di- paunlakan o pigilan ang relokasyon at paglilipat sa ibang bansa ng mga aktibidad o materyales na nagbubunga ng malubhang pagsalanta sa kapaligiran o di kaya'y pinsala sa kalusugan ng tao.

Prinsipyo 15: Upang pangalagaan ang kapaligiran, ang mga Estado ay malawakang gagamit ng mga pamamaraan ng pag-iingat batay sa kanilang kakakayahan. Sa mga kalagayang may banta ng seryoso o ng di na mababawing pagkasira ng kapaligiran, ang kakulangan ng makasiyentipikong kasegurohan ay hindi magiging dahilan para ipagpaliban ang mga mabisa't ekonomikong hakbang para pigilan ang pagkasalanta ng kapaligiran.

Prinsipyo 16: Ang mga pambansang awtoridad ay magsisikap na itaguyod ang internalisasyon ng implikasyon sa kapaligiran at ang paggamit ng mga instrumentong pang-ekonomya, nang may pagsaalang-alang sa pamamaraan na, ang lumalason sa kapaligiran ang siyang dapat magbalikat ng epekto ng polusyon, nang may sapat na konsiderasyon sa interes ng publiko at nang walang pagpinsala sa pandaigdigang kalakalan at pamumuhunan.

Prinsipyo 17: Ang pagtatasa ng epekto sa kapaligiran, bilang pambansang instrumento, ay isasagawa para sa mga ipinapanukalang mga aktibidad na malamang na lumikha ng malaking pinsala sa kapaligiran at ipapailalim sa pagpapasya ng isang may kakayahang pambansang awtoridad.

Prinsipyo 18: Ang mga Estado ay kagyat na magbababala sa iba pang Estado hinggil sa mga natural na kalamidad o iba pang emerhensya na malamang na biglaang puminsala sa kapaligiran ng mga naturang Estado. Gagawin ng pandaigdigang komunidad ang lahat upang makatulong sa mga apektadong Estado.

Prinsipyo 19: Ang mga Estado ay maagap na mag-aabiso at magbibigay ng kaugnay na impormasyon sa mga Estado na maaring maapektuhan ng mga aktibidad na mapaminsala sa kapaligiran sa mga pagitan ng mga pambansang hangganan at maagap na makikipagkonsulta nang tapat sa mga kinauukulang Estado.

Prinsipyo 20: Ang kababaihan ay gagampan ng mapagpasyang papel sa pangangasiwa ng kapaligiran at kaunlaran. Ang kanilang lubos na partisipasyon kung ganoon ay esensyal upang matamo ang likas-kayang kaunlaran.

Prinsipyo 21: Ang kakayahang mapanlikha, mga mithiin at katapangan ng mga kabataan ng daigdig ay dapat mobilisahin upang bigkisin ang isang pandaigdigang pagkakaisa para makamit ang likas-kayang kaunlaran at tiyakin ang mas maaliwalas na hinaharap para sa lahat.

Prinsipyo 22: Ang mga katutubong sambayanan at kanilang mga komunidad, at Iba pang mga lokal na komunidad, ay may mapagpaspyang papel sa pangangasiwa ng kapaligiran at kaunlaran, dahil sa kanilang kaalaman at tradisyonal na praktika. Ang mga Estado ay dapat kumilala at sumuporta sa kanilang identidad, kultura at interes, at isakatuparan ang kanilang epektibong partisipasyon sa pagkakamit ng likas-kayang kaunlaran.

Prinsipyo 23: Ang kapaligiran at likas na yaman ng mga sambayanan na nasa ilalim ng panunupil, dominasyon at pananakop ay pangangalagaan.

Prinsipyo 24: Ang digmaan ay likas na mapanira sa likas-kayang kaunlaran. Ang mga Estado kung ganoon ay gagalang sa mga internasyunal na batas na nangangalaga sa kapaligiran sa panahon ng armadong tunggalian at magtutulungan para sa higit nitong pag- unlad batay sa pangangailangan.

Prinsipyo 25: Ang kapayapaan, kaunlaran at proteksyon ng kapaligiran ay magkakaugnay at hindi mapaghihiwalay.

Prinsipyo 26: Mapayapang lulutasin ng mga Estado ang kanilang mga alitan kaugnay ng kapaligiran, at sa pamamagitan ng ng akmang pamamaraan alinsunod sa Konstitusyon ng Nagkakaisang Mga Bansa.

Prinsipyo 27: Ang mga Estado at mga sambayanan ay magtutulungan nang tapat at sa diwa ng pagkakaisa tungo sa pagkakamit ng mga prinsipyo na nakapaloob sa Deklarasyong ito at para sa higit pang pagpapaunlad ng mga batas na internasyunal sa larangan ng likas-kayang kaunlaran.

 
<< Start < Prev 31 32 33 34 35 Next > End >>

Results 307 - 313 of 313
Powered by Joomla>  Template Valid w3c XHTML 1.0